sanaysayisyu.com
pangkat 2

maagang pag bubuntis 

"Teenage Pregnancy" 

Isa sa mga Pangunahing Issue nakakaapekto sa ating lipunan ngayon.

maagang pag bubuntis ng mga kabataan ngayon 

Pangkat 2

Ang Pilipinas ay may kabi-kabilang mga hamon at isyu na kinahaharap. May dalawang uri ng isyu, ito ay ang isyung personal at isyung panlipunan at ang mga ito ay may malaking epekto hindi lang sa sarili kung ‘di maging sa bawat isa. Hindi mawala-walang isyu ang korapsyon, kahirapan, at krisis pangkapaligiran. Isa sa mga nakikita kong isyu na dapat mas lalong bigyang pansin dahil kapwa ito nakaaapekto sa mamamayan at lipunan. Ito ay ang lumolobong kaso ng maagang pagbubuntis. 
Ayon sa datos na kinalap ng Commission on Population and Development o mas kilala bilang PopCom noong 2019, umabot sa halos anim na pu’t apat na libong (64,000) edad 18 pababa ang nanganganak bawat taon. Kung ating pagtutuunan ng pansin ang datos ito ay talagang nakababahala. Isa pa, ang Pilipinas ang may pinakamataas na kaso ng teenage pregnancy sa rehiyon ng Southeast Asia.



opinyon 

Sa aming palagay ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng mga menor de edad na nabubuntis ay dahil sa kahirapan at kawalan ng sapat na edukasyon patungkol dito. Nararapat lang na isulong at idagdag sa kurikulum ng bawat paaralan ang “Sex Education”, hanggang ngayon marami pa rin ang tumututol sa pagpapatupad nito. Lingid sa kaalaman ng karamihan, ang sex education ay ang pagtuturo upang mas maunawaan ng kabataan ang maaaring peligro na dulot nito. Ang usapin patungkol sa teenage pregnancy ay hindi lang nakaapekto sa indibidwal, ito rin ay itinuturing na “National Social Issue”. Karamihan sa mga batang nagdadalang tao ay nahihinto na sa pag-aaral, dito pa lang may malaking epekto na ito sa kanyang buhay. Sa dagdag na gampanin at obligasyon sa buhay hindi na sumasagi sa isip ang pagbabalik aral at dito na makikita ang patuloy na siklo ng kahirapang kinahaharap sa buhay. Kinababahala rin ng mga nasa institusyong medikal ang peligrong dulot nito, sa kadahilanang ang mga katawan ng mga batang nabubuntis ay hindi pa handa sa ganitong pangyayari.


Noong 2018, umabot sa dalawampu’t dalawang porsyento ng mga namamatay dahil sa panganganak at ang bilang na ito ay talagang napakalaki at dapat bigyan pansin. Sumunod pa rito maaari rin na magdulot ang teenage pregnancy ng paglobo sa populasyon. Ayon sa pag-aaral ng Department of Health o DOH, ang mga ina na nasa edad 15-17 ay may malaking tyansa na magbuntis ulit. Kinabahala naman ito ng sangay ng Kalusugan sapagkat mas tataas ang peligro ng pagkamatay ng ina o ng sanggol at ang masama dito ay ang pagkamatay nilang pareho. Kung kaya isa sa mga suhestiyon ay ang mga contraceptives, bukod sa mapigilan ang pagbubuntis napipigilan din nito ang mga sakit na tulad na lamang ng HIV o AIDS. Ito na ang panahon upang talakayin ang mga isyung ito, huwag nating isawalang bahala ang mga bagay na ito. 
Ang mga institusyon na nakatatag sa lipunan ay may malaking gampanin sa mga isyung ito. Unang una na dito ay ang itinuturing na pundasyon ng lipunan o ang pamilya. Dahil unang nahuhubog ang pagkatao sa loob ng tahanan kung kaya’t kinakailangan ng gabay mula sa mga matatandang miyembro ng pamilya upang maiwasan ang problema gaya na lamang ng maagang pagbubuntis. At ang huli ay ang mga lider na naihalal sa mataas na posisyon dahil sila ang may kakayahan sa mga pagpapatupad na makatutulong sa kabutihan ng kanilang mga nasasakupan. 
dagdag kaalaman

teenage pregnancy 

Maikling bidyo patungkol sa paksa